National PhilHealth registration day bukas na

Written by PIA Press Release

San Fernando City, Pampanga (1 October) — Iniimbitahan ni Department of Health Regional Director Rio Magpantay ang mga mamamayan ng Gitnang Luzon na hindi pa miyembro ng PhilHealth na magparehistro sa gaganaping National Registration Day bukas, October 2.

Ito ay sabay-sabay na isasagawa sa Aurora provincial gym sa Baler, Bataan People’s gym sa Balanga city, Bulacan provincial gym sa Malolos, Nueva Ecija State College sa Cabanatuan city, Heroes hall ng City of San Fernando sa Pampanga, SM City Tarlac at Rizal covered court ng Olongapo city sa Zambales.
Inaabisuhan ni Magpantay ang mga non-professionals na magpaparehistro sa individually paying program ng PhilHealth na magdala ng valid ID gaya ng driver’s license at voter’s ID at 300 pisong paunang hulog para sa isang quarter o tatlong buwan.

Kabilang sa mga kwalipikadong non-professional sa nasabing programa ang mga labandera, kasambahay, driver at construction worker.

Para sa may idedeklarang legal dependent, magdala ng photocopy na nagpapatunay ng relasyon ng nagpaparehistro sa dependent gaya ng birth certificate, marriage contract at senior citizen’s ID.

Samantala, bibigyan din ng PhilHealth number cards bukas ang mga mahihirap na pamilya na nakalista sa National Household Targeting System ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Magpantay, layunin ng national registration day na tiyakin na lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng access to financial protection para sa kanilang hospitalization needs.

Ito ay sumasangguni sa target ni Pangulong Benigno Aquino III na serbisyong pangkalusugan para sa lahat sa loob ng tatlong taon. (PIA)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s