UL Pozorrubio Campus nagdaos din ng Buwan ng Wika

BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika, ang mga guro at estudyante ng University of Luzon ay nagdaos ng isang payak na selebrasyon noong ika-27 ng Agosto, 2009 sa kanilang Pozorrubio Campus na matatagpuan sa Barangay Cablong.
Ang Kagalang-galang na Emma Zosima Chan, Punong-Bayan ng Pozorrubio at panauhing pandangal sa nasabing okasyon, ay bumati at nagpasalamat sa mga tagapangasiwa ng UL sa pangalawang taong tiyaga, pagpapatuloy at pagtuturo ng kaalamang tertiary at post-graduate sa bandang ito ng Pangasinan.

Sa talumpati ng Alkalde, kanyang nasambit na ang Pambansang Wika ay “ sana’y gamitin natin hindi lamang bilang lengwahe ng pananalita at panulat ng nagkakaisang Pilipino kundi bilang lengwahe ng ating puso mula dito hanggang sa pinakamalayong sulok ng mundo na may Pilipino”.

Pinakatampok na bahagi ng selebrasyon ay ang pagtatanghal ng kagalingan ng bawa’t college department at ang pagpili ng Lakambini at Lakan 2009 ng unibersidad.

For photos, click links below:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s