Buwan ng Wika ipinagdiwang ng BVANHS

by JVillamil-posted by QT

buwanngwika-200x149KARANIWAN nang ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika sa buong ikatlong linggo ng buwan ng Agosto, at kasama na rito ang pagbibigay-pugay sa araw ng kapanganakan ng yumaong Pangulo Manuel L. Quezon, ang Ama ng Pambansang Wika.

Sa taong 2009, ang Benigno V. Aldana National High School (BVANHS) ay nagdaos ng isang Buwan ng Wika upang mabigyan ng higit na pagkakataon ang mga mag-aaral nito na

magampanan ang kanilang mahaba rin namang talakdaan ng mga gawain. Nang unang lingo ng Agosto, idinaos nila ang Pambungad na Palatuntunan, Iliminasyong Pangklasrum ng Bibinibi at Ginoo ng Wika, Paghahanda sa Field Trip, Oryentasyon, at Panonood ng Stage Play “Panaghoy ni Pepe”.  Ang paligsahang Isahang Tinig ay isinagawa noong Agosto 10. May dalawang araw na implementasyon ng Clean and Green noong Agosto 11-12. Agosto 14 naman ang First Canvassing.

Ika-17, idinaos ang Komedya, at ang Scrabble sa Filipino, Symposium noong ika-18. Dumalo naman ang BVANHS sa pang-congresyonal na kompetisyon sa Juan G. Macaraeg National High School (JGMNHS) noong ika-19. Ang kontest sa Talumpatian at Paskil-Slogan ay naganap noong ika-20.

Ngayong araw, ika-25, ang Culmineyting Activiti na dinaluhan ni SB Kagawad Dennis Uy bilang Chairman ng Komite ng Edukasyon at ng Municipal PRO na si Jing Villamil bilang kinatawan ni Mayora Emma Zosima Chan. Dumalo rin ang hosts ng MagTV Na Atin ‘To ng ABS-CBN na sina Ara Hanesh at Kiko Villalba.

Sa Agosto 25-27 ay paghahanda para sa Pansangay (Division) Kompetisyon sa ika- 28 na gaganapin sa SM Rosales. At sa ika-31 ay ang Palatuntunan bilang pampinid sa Buwan ng Wika.

Photos: click below to view

Advertisements

One thought on “Buwan ng Wika ipinagdiwang ng BVANHS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s