Bayang Pozorrubio Ako’y Pabalik Na

Bayang Pozorrubio Ako’y Pabalik Na

( A Translation by Gin Quesada of the original poem in Pangasinan,
‘Baley Kon Pozorrubio Onpawil Ak La’
by the author himself. Translated on June 19, 2007)

————————————————
Bayang Pozorrubio, hiling ang ‘yong kapatawaran

Ng dahil sa pangarap at hirap, kita ay nilisan

Maraming taon sa Saudi Arabia’y naghanapbuhay

Para kita’t pamilya magandang kalinga’y maibigay.

————————————————
Pinagtitiisan ang lamig ng panaho’t init ng kadesiertuhan

Upang ang aming mga anak ay mapagtapos ng pag-aral

Mapaayos na mabuti ang maliit at binabahang bahay

Makapundar ng negosyong sa pag-uwi ay masasandigan

————————————————
Mapagbigyan and abang hiling ng mahal na maybahay

Gayundin ang hinaing ng pamilyang pinanggalingan

Kapitbahay, kamag-anak, barkada’t kasama sa relihiyon

Pati ang mga buwisang kailangan ng Administrasyon.

————————————————
Ang mga suporta’t kalingang sa kanila’y ibinigay

Katumbas iyan ng aking sa iyo’y pagmamahal

Tutuo ngang mga iya’y, para sa yo, maliliit na bagay

Marami naman kaming anak mong sa yo’y nag-aalay.

————————————————
Kaunti ngang tutuo ang lakas ng bawa’t isa

Katumbas ay malakas, kapag marami sila, ‘ika nga

Kaya nga noong ikaw ay lisanin bayan ka pang mahina

Sa dami namin ngayon, isa ka nang bayang mapuwersa.

————————————————
Ngayong patapos na ang panahon ko sa kadesiertuhan

Usal ang pasalamat sa Maykapal at bansang napuntahan

Mga ligayang dulot ng pag-aaruga sa mga anak ’di man naranasan

Matatamasa na lang ngayon sa mga apong sa pag-uwi’y daratnan.

————————————————
Maraming nakakalungkot na taong malayo sa esposa

Malayo sa mga anak noong lumalaki at nag-aaral sila

Panahong di naka-inuman at makasama ang barkada

Panahong mahaba man, sa wakas ay magtatapos na.

————————————————
Pozorrubiong pinagmulan, bayang kong nilisan

Huwag nang malungkot, d’yan na ako mamimirmihan

Ang maraming taong nawala sa yong kandungan

Bumawi ka na lamang sa personal kong paninilbihan

————————————————

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s